Signature Campaign against STL Operation in Odiongan, launched

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naglungsad ngayong araw ang opisina ni Odiongan Vice Mayor Mark Anthony Reyes ng signature campaign kontra sa planong pag-operate ng Small Town Lottery (STL) sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Ang nasabing signature campaign forms ay ipapamahagi sa mga Barangay Officials, mga church leaders, mga NGO's at sila na ang bahalang maghanap ng mga taong kumukontra sa STL Operation.

Magpapakita umano ang malilikum ng mga pirma na maraming mga Odionganon ang kontra sa balak na STL Operation sa Odiongan.

Makikipag-usap rin umano si Vice Mayor Reyes sa mga Vice Mayor ng bawat munisipyo para maipaabot ang dahilan kung bakit tutol ang Odiongan sa pag-operate nito at makikipagtulungan kung sakaling gusto ring magpasa ang ibang munisipyo ng Resolusyon na kumokontra sa STL Operation.

Samantala, magpapakalat rin sila, kasama ang mga church leaders, ng banners na nagsasabing "No To Small Town Lottery in Odiongan".