312 Passengers stranded in Poctoy Port due to #SalomePH

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Aabot sa 312 na pasahero ng 2Go Travel na biyaheng Caticlan - Batangas ang stranded ngayon sa Poctoy Port sa Romblon matapos na hindi payagan ng Philippine Coast Guard na tumuloy sa kanilang biyahe patungong Manila ngayong araw.

Karamihan sa kanila ay sakay ng bus galing IloIlo at Bacolod City sa Visayas.

Ilan sa mga stranded ay mga bata na pinatuloy muna ng pumuan ng Philippine Ports Authority sa kanilang opisina para kumportabling makapahinga ngayong gabi kasama ang kanilang mga ina. Kasama rin na nakituloy sa opisina ng PPA ang mga matatanda na may sakit.

Ang karamihan sa naiwan sa passenger terminal ng Poctoy Port at doon nalang aantaying payagan muling maglayag ang kanilang sinasakyang barko.

Nangako naman na magbibigay ng pagkain ang pamunuan ng barko sa mga stranded na pasahero.

May mahigit sa 40 na rolling cargos rin ang stranded sa pantalan, ayon sa Philippine Ports Authority-Romblon.