Lalaki, patay matapos mabagsakan ng sanga ng Puno

Written by Rica Fabro | Romblon News

Isang matandang lalaki ang namatay matapos na mabagsakan ng pinapaputol na kahoy sa SItio Baito, Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan, Romblon bandang alas-10 ng umaga nitong Huwebes, November 08.

Ayon sa nakarating na impormasyon sa Romblon News Network, nag papaputol umano ang biktima na si Doming Fajarito ng kanyang punong paper tree ng biglang may humulog na maliit na sanga at bumagsak sa kanyang ulo.

Sinabi ng mga saksi na natumba si Fajarito matapos ang aksidente at nahimatay kaya agad na isinugod nila sa Romblon Provincial Hospital kung saan ay binawian rin ng buhay kalaunan.