Isa sugatan sa aksidente sa Odiongan ngayong gabi

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 19 September 2015

Duguan ng maisugod sa Romblon Provincial Hospital ang isang lalake na nagmamaneho ng itim na Honda Wave na motorsiklo matapos masalpok nito ang isang tricycle sa Barangay Tabin-Dagat pasado alas-7 ngayong gabi.

Nakilala ang lalake na si Ronie Taleon, 42 taong gulang at residente ng Barangay Tulay sa nasabing bayan.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang patakbo ni Taleon patungo sa ESTI Highschool galing sa dating pwesto ng Ramites Bakeshop ng biglang masalpok ang tricycle na lumabas sa isang kanto.

Sinabi rin ng mga nakasaksi na wrong way ang dinaanan ni Taleon kaya nasalpok niya ang tricycle. Tumilapon rin umano ang tricycle at nahulog sa kanal sa lakas ng pagkakasalpok rito ni Taleon.

Nagtamo ng sugat sa ulo si Taleon matapos na matusok sa isang bahagi ng tricycle.

Agad naman siyang ginamot sa Romblon Provincial Hospital at ipina-X-Ray.