Single Driver, nakuhaan ng shabu sa Odiongan kanina

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 16 September 2015

Inaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, Philippine Drug Enformencement Agency o PDEA, Provincial Intelligence Branch, at ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ang isang lalake na diumanoy naglabag sa Republic Act 9165.

Ayon sa Police Report ng Odiongan Municipal Police Station, umaga ng September 16, ng mahuli si Ronald Perez o alyas Jackson, 42 years old, sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Si alyas Jackson ay residente ng Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.

Nakuha sa suspek ang isang selyadong plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, isang lighter, at isang alumnimum foil.

Dinala sa Odiongan Municipal Police Station ang suspek upang sampahan ng kaukulang kaso.