Minor, nagnakaw ng P33k halagang gadget, perfumes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTO.FILE PHOTO.

Dalawang establisyemento sa bayan ng Odiongan ang ninakawan ng aabot sa P33,245 nitong gabi madaling araw ng Sabado.

Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, magkasunod na pinasok ng magnanakaw ang Overruns Branded Shop at Fabic Electronic Shop at ninakawan. Sinira umano ng suspek ang padlock at thin plywood na sara sa dalawang establisyemento.

Sa Overruns Branded Shop, ninakaw ng suspek ang aabot sa P9,540 na halaga ng branded perfumes, damit, pagkain, at tsinelas. Sunod na pinasok ng suspek ang Fabic Electronic Shop kung saan tinangay niya naman ang aabot sa P23,705 na halaga ng gadgets kagaya ng power bank, wifi, at iba pa.

Agad na tumakas ang suspek ngunit naiwan nito ang kanyang damit at wrist band sa lugar na kanyang pinagnakawan kaya nakilala siya ng mga tauhan ng pulisya.

Gustong magkaroon ng mga nasabing gamit ang 15-anyos na suspek na kinilala ng pulisya na si Alyas Avatar kaya nagawa nitong magnakaw sa dalawang establisyemento.

Napag-alaman naman ng pulisya na out-of-school youth ang suspek at hindi residente ng Odiongan, Romblon.