Odiongan LGU suspends work and classes due to heavy rain

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sa kautusan ni OIC Mayor, VM Mark Anthony Maulion Reyes, pinauwi na ang mga estudyante sa Elementary at High School sa bayan ng Odiongan ngayong hapon dahil sa masamang panahon.

Halos buong araw na inulan ang Romblon ngayong araw sanhi ng hangin na hinihila ng bagyong nasa Northern Luzon.

Ipinagutos na rin ni Vice Mayor Reyes na pauwiin na ang mga empleyado ng Munisipyo ng Odiongan at unahin muna ang kanilang mga pamilya sa panahon ngayon.

Aniya, nagbigay na rin siya ng utos na nakadipende na sa mga Department Heads ng iba pang Government Agencies at Private Firms kung kanilang papauwiin o isusupendi na nila ang pasok ngayong hapon dahil sa masamang panhon.