Lalaking iniwan ng GF, nagbigti

Written by Romblon News
  • Pinterest

Patay na nang matagpuan ng mga residente ng Barangay Tulay sa bayan ng Odiongan, Romblon kaninang umaga ang isang lalaki na nakabitin sa isang puno ng niyog.

Kinilala ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ng Odingan Municipal Police Station ang nakabiting lalaki na si Joselito Fermanejo Jr., 22-anyos.

Ayon kay PSI Fernandez, bandang 6:30 ng umaga ng madiskobre ng pamilya ni Fermanejo ang kanyang katawan na nakabigti sa puno ng niyog sa Sitio Riverside, Barangay Tulay sa nasabing bayan.

Sinabi ng pamilya ni Fermanejo na galing sa isang birthday party ang lalaki kagabi at nakipag-inuman sa barkada. Pag-uwi umano nito, sinabi niya sa kanyang Bayaw at Ina na magpapatiwakal siya pagnakaroon ng pagkakataon.

Hindi umano ito pinansin ng kanyang Bayaw at Ina hanggang sa madiskobre ang kanyang walang buhay na katawan kaninang umaga.

Napag-alaman naman ng pulisya na kakahiwalay lang ng binata sa kanyang nobya nitong nakaraang araw sa hindi pa tukoy na rason na maaring dahilan naman ng kanyang pagpapatiwakal.