P120,000 halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation ng PNP sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 15 September 2015

Tiklo sa kamay ng kapulisan sa Odiongan, Romblon si Reynante Galiga alyas Eliw, 38 taong gulang, residente ng Barangay Tubigon ng bayan ng Ferrol, matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Alvimar Flores at ng mga tauhan ng PDEA kaninang hapon.

Nahuli si Eliw sa Sitio Bating, Barangay Anahao, Odiongn, Romblon pasado 1:30 ng hapon kanina.

Nakuha kay alyas Eliw ang walong piraso na silyadong sachet na hinihinalang may laman na crystaline substance o shabu at isang color yellow lighter. Nakuha rin sakanya ang ilang pang sachet na walang laman.

Hinala ng PNP Odiongan, nagkakahalaga ang hinihinalang shabu ng P120,000.

Nakakulong na ngayon ang nasabing suspek sa Odiongan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.