PNP's Provisional License to Own and Possess Firearms Caravan, gaganapin sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Magsasagawa ang Regional Civil Security Unit (RCSU) ng Police Regional Office MIMAROPA ng Provisional License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan at Regular Pre-Registration LTOPF sa probinsya ng Romblon sa darating na Oktubre.

Ayon sa Romblon Police Provincial Office, gaganapin ito sa Odiongan Municipal Police Station sa October 27 hanggang 28 simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Inaanyayahan umano ang lahat ng firearms holder na paso na ang mga lisensya gayun na rin sa mga may balak bumili ng baril sa mga susunod na taon.

Ang layunin naman ng gagawing Pre-Registration ng LTOPF ay para malaman kung ilan ang prospective applicants na aasikasuhin sa gaganapin namang One Stop Regular License to Own and Possess Firearms Registration sa mga susunod na buwan.

Ang schedule ng One Stop Regular License to Own and Possess Firearms Registration ay iaanunsyo sa mga police stations kapag mayroon ng itinakdang petsa.