Port operations in Romblon now back to normal

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Balik na sa normal na operasyon ngayong araw ang lahat ng pantalan sa buong probinsya ng Romblon matapos ipagpaliban ang paglalayag ng mga barko patungong Batangas at Mindoro kahapon.

Ayon sa pamunuan ng Montenegro Shipping Lines Inc., balik na sa normal na operasyon ang kanilang biyahe mamayang alas-5 ng hapon patungong Batangas galing Poctoy Port sa Odiongan, Romblon.

Pinayagan na rin umanong maglayag ang M/V Maria Querubin galing San Agustin Port patungong Romblon at Sibuyan Island.

Nag-anunsyo naman ang 2Go Travel na maglalayag ngayong araw ang isa sa kanilang barko galing Batangas Port patungong Romblon Island at Roxas.

Sa ngayon, maaraw na panahon na ang nararanasan sa kalakhang Romblon.