Odiongan ranks No. 113 in NCC Ranking

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Nasa ika-113 spot ang bayan ng Odiongan sa ranking na ginawa ng National Competitiveness Council (NCC)sa lahat ng 1st at 2nd Class Municipality sa buong bansa base sa kanilang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, at Resiliency. Malayo ito sa dating rank ng Odiongan na nasa ika-246 ng listahan.

Batay sa datus, ang Odiongan ay ay nakakuha ng 150 rank sa Economic Dynamism, 205 rank sa Government Efficiency, 82 rank sa Infrastructure, at 100 rank sa Resiliency.

Ang Odiongan ay sumasali sa ranking ng NCC simula pa taong 2013.

Samantala, ang ibang municipality na pasok sa 3rd class hanggang 5th class municipality ay nakakuha rin ng matataas na spot kagaya ng San Agustin na nasa ika-113 spot; ang Romblon ay nasa ika-210 spot; ang San Fernando ay nasa ika-294; ang pinakamababa naman ay ang Alcantara na nasa ika-635 spot.