258 passengers bound to Batangas, stranded in Poctoy Port

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Aabot sa 258 na pasahero sakay ng barko ng 2Go Travel ang stranded ngayong gabi sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon matapos na hindi payagan ng Philippine Coast Guard na maglayag patungong Batangas Port kaninang tanghali.

Ayon sa report ng Office of the Civil Defense MIMAROPA kaninang alas-8 ng gabi, may 258 na pasahero, 24 rolling cargoes, 1 vessel ang stranded sa Poctoy Port habang 6 na rolling cargo sa San Agustin Port at 1 rolling cargo sa Ambulong Port sa Magdiwang, Sibuyan Island.

Inaasahang papayagan rin maglayag ang barko ng 2Go Travel anumang oras simula ngayong matapos tanggalin ng DOST- PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang storm signal sa probinsya ng Batangas.

Sa ngayon, patuloy na nakakaranas ng paguulan ang kalakhang Romblon dahil parin sa Hanging Habagat na pinalakas ng dalawang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.