Biyahe ng barko patungo at galing Batangas, Kanselado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kanselado na ang biyahe ng mga barko ngayong araw galing Odiongan Port at Romblon Port patungong Batangas Port at pabalik dahil sa nakataas na storm warning signal sa probinsya ng Batangas.

Ayon sa DOST-Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyong Maring sa vicinity ng Eastern Laguna at Manila area.

May lakas itong 60 kilomteres per hour na hangin at gusts na aabot sa 100 kph.

Maliban sa Batangas, nakataas rin ang storm signal number one sa mga lugar ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon, Southern Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, at Pangasinan.