14-Anyos na Estudyante, Sugatan Matapos Masaksak ng Tiyuhin

Written by Romblon News

Sugutan at patuloy na binabantayan sa Romblon Provincial Hospital ang isang 14-anyos na lalaking estudyante matapos na masaksak ng kanyang tiyuhin nitong gabi ng Sabado, September 09, sa Sitio Canlumay, Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.

Hinatid umano ng biktimang estudyante ang kanyang tiyuhin sa kanyang bahay sa taas ng bundok dahil sa kalasingan umano nito. Bumalik umano ang 14-anyos na estudyante na may tama na ng saksak sa kanyang tagiliran.

Agad siyang isinugod ng magulang nito sa Ospital at sinalinan ng dugo dahil sa maraming nawalang dugo sa biktima.

Naaresto naman ang suspek na kinilalang si Lino Famorcan Sediaco, 44, sa hot pursuit operation ng Odiongan Police sa bahay ng suspek. Narekober rin ang balisong ng suspek sa kanyang pamamahay.

Nakatakdang kasuhan ng frustrated murder ang suspek ngayong Lunes sa piskalya.

Itinanggi naman ng suspek na nasaksak nito ang biktima dahil hindi niya umano maalala. Hindi naman itinanggi ng suspek na lasing siya nung gabing yun.