LGU Odiongan purchases brand new Dumptruck

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Facebook/Ramer RamosPhoto Courtesy: Facebook/Ramer Ramos

Bumili nitong nakaraang Linggo ang munisipyo ng Odiongan ng bagong dumptruck na magagamit sa pagkolekta ng mga basura sa Poblacion.

Ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang nasabing bagong sasakyan ay makakatulong sa garbage collection efficiency ng Local Government Unit.

Binili ng direkta umano sa Isuzu ang nasabing dumptruck para sa posibilidad ng murang presyo.

Pinayagan rin umano ang LGU Odiongan na bumili direkta dahil walang supplier umanong nag-bid para bumili ng nasabing sasakyan.