Odiongan PNP Chief, nagsagawa ng surprise drug test sa mga personnel

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Sinurpresa ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang mga personnel ng Odiongan Municipal Police Station ngayong umaga ng isang drug testing activity.

Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. hepe ng Odiongan PNP, bahagi ito ng internal cleansing na ginagawa ng Philippine National Police para matanggal sa trabaho ang mga pulis na gumagamit ng iligal na droga.

Ang drug test ay pinangunahan ni PSI Hernandez na inasikaso naman ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory.

Sa 43 tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang mga Non-Uniformed Personnel (NUP), 42 rito ay sumailalim sa drug test habang ang isa naman ay nasa Calapan City, Oriental Mindoro para sa isang Human Rights Seminar.