Dalawang Indian National sa Odiongan, inireklamo ng Rape

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dalawang Indian National na naninirahan sa bayan ng Odiongan ang inireklamo ng pangagahasa ng isang babae bandang ala-una ng madaling araw nitong April 23 sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, ginamitan ng lakas at sapilitan umanong ginahasa ng dalawang suspek na kinilalang sina Raviinderjit Singh, 29-years old at isang Shobham, 22-years old; ang babaeng itinago nalang sa pangalang Marina, 23-years old at waitress ng isang night club.

Dagdag ng kapulisan batay sa kanilang imbestigasyon, una umanong inabuso ni Singh ang biktima bago si Shobham.

Ayon naman umano kay Marina, nakatakas umano siya sa mga suspek matapos na maisagawa ng mga dayuhan ang kanilang balak. Nakatakbo umano siya palabas ng appartment ng dalawa ng naka hubo't hubad at dito na siya naka hingi ng saklolo.

Inaresto naman ng pulisya ang mga suspek matapos na makapag-sumbong sa kanila ang babae.

Nitong nakaraang araw, dinismiss ng piskalya ang kasong rape na isinampa ng Odiongan Municipal Police Station laban sa dalawa dahil umano sa lack of probable cause.

Ayon sa source ng Romblon News Network, naka-alis na ng Romblon ang dalawang dayuhan.