Lalake, arestado dahil sa kasong Malicious Mischief

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Kalaboso ang isang lalake sa Barangay Tabing-Dagat, Odiongan, Romblon matapos na ipaaresto ng korte dahil sa kasong Malicious Mischief.

Inaresto kahapon ng hapon ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ang suspek na kinilalang si Reynante Forio, 39-years old.

Si Forio ay nasa kamay na ng Odiongan Municipal Police Station at inaasahang ihaharap sa korte para harapin ang nasabing kaso.

Maaaring makalaya si Forio kung makakapag bayad siya ng P2,000 na piyansa.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang suspek.