Ilang pamilya, nagpalipas ng Huwebes Santo sa mga resorts

Written by Jhay Fornal | Romblon News

Halos punuan ang iba't ibang resorts at sikat na pasyalan sa iba't ibang bahagi ng probinsya ngayong Huwebes Santo.

Sa Odiongan, Romblon; dagsa ang mga taong naliligo sa kilalang Beach Resort sa Barangay Batiano.

Enjoy ang mga batang naliligo sa mini pool ng kilalang resort, habang ang iba enjoy sa karaoke kasama ang pamilya.

Ayon sa isang nakausap ng Romblon News Network, hindi naman umano nila kinakalimutan manalangin na siyang tunay na diwa ng Semana Santa.

Sa Cummings Highland Eco Park and Waterfun naman sa Looc, Romblon; dagsa rin ang mga pamilyang bumibisita ngayong araw.

Sa Binucot Beach naman sa Ferrol, Romblon; mga magbabarkada ang karamihang bumisita.

Ilan sa kanila ay dumaan lang sa sikat na beach sa Ferrol para sa picture taking.