Iba't ibang paninda matatagpuan sa Baratilyo sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Samu't saring paninda katulad ng mga damit, shorts, gamit sa bahay, ilang electric appliances at iba pa ang bida sa isang Baratilyo sa bayan ng Odiongan.

Nagsimulang magtinda at magtayo ng pwesto sa Odiongan South Central Elementary School ang mga mangangalakal nitong March 15 at magtatagal ng isang buwan.

Ayon sa alkalde ng bayan ng Odiongan na si Mayor Trina Firmalo-Fabic, mahigit 60 na pwesto ang itinayo sa Odiongan South Central Elementary School para ukopahan ng mga mangangalakal.

Ang pagkakaroon ng baratilyo sa bayan ng Odiongan ay bahagi ng 170th Odiongan Foundation Day Anniversary & Town Fiesta.