Odiongan PNP, nagsagawa ng feeding program para sa mga lactating mothers

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Nagsagawa ng libreng feeding program para sa mga lactating mothers ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., nitong umaga ng March 15 bilang bahagi ng paggunita sa 27th Women’s Month Celebration.

Nakatanggap ang halos aabot sa 20 na mga ina sa Barangay Budiong ng libreng pagkain at ilang grocerry galing sa mga kapulisan at sa local government unit ng Odiongan sa pangunga naman ni Mayor Trina Firmalo-Fabic.

Nagbigay naman ng overview patungkol sa 27th Women's Month Celebration si PO2 Lizel C Firmalo, FJGAD PNCO, sa mga dumalong mga ina.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay 'We Make Change Work for Women', aniya.

Ayon naman kay PO3 Chesyl F Garcia, Asst. PCR PNCO, ang selebrasyon ng 27th Women's Month ay para ma empower ang mga kababaihan sa lahat ng asepto ng buhay.

Dagdag pa ni PO3 Garcia, lahat ng babae dapat umano ay malaman kung ano ang tinatawag na "Magna Carta of Women".