Menor de edad, patay matapos maaksidente ang motorsiklo

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of Odiongan Municipal Police Station.Photo Courtesy of Odiongan Municipal Police Station.

Nagkayupi-yupi ang gulong at maraming gasgas, yan ang natamo ng motorsiklo na minamaneho ng isang Brandon Palisoc, 16 years old, matapos na maaksidente sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon nitong gabi ng March 13.

Dead on the spot ang rider ng motorsiklo na si Palisoc, isang estudyante, matapos na sumalpok ang kanyang ulo sa sementong pader habang sugatan naman ang angkas niyang si Carl Edward Serra, 13 years old.

Ayon sa mga nakasaksi, pasado alas-9 ng gabi ng magpaalam umano si Palisoc sa kanyang mga magulang na hihiram ng motorsiklo dahil papatungo umano ito sa town proper ngunit hindi ito pinayagan dahil lasing umano ito.

Itinakas umano ni Palisoc ang motor, at ilang metro palang ang inaandar ng motorsiklo ay nawalan ito ng kontrol sa sasakyan at sumalpok sa pader.

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, walang lisensya si Palisoc para magmaneho at nakainum umano ito.

Patuloy namang nagpapagamot sa Romblon Provincial Hospital si Serra dahil sa natamong sugat sa katawan sanhi ng aksidente.