Odiongan MPS, naglatag ng help desk sa pantalan sa Poctoy

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naglatag na ang pamunuan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ng help desk sa pantalan ng mga barko sa Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan.

Ito ay bahagi ng Oplan Ligtas Undas 2016 ng Philippine National Police, upang mapanatili ang kaayusan ngayong panahon ng UNDAS.

Nagbibigay ng assistance ang mga kapulisan sa mga biyaherong papasok at palabas ng probinsya.

Nagbigay rin sila ng mga flyers sa mga pasahero ng barko.