Mga mag-anak, nagsimula ng maglinis sa mga puntod sa Dapawan Public Cemetery

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Image Courtesy: Mayor Trina Firmalo-FabicImage Courtesy: Mayor Trina Firmalo-Fabic

Nagsimula ng maglinis ang ilang mag-anak sa iba't ibang sementeryo sa bayan ng Odiongan ngayong weekends.

Sa Dapawan Public Cemetery, may ilang mga mag-anak na ang maagang ng bumisita at naglinis sa mga puntod ng kanilang mga yumao para makaiwas sa maaring dagsa ng tao sa Lunes at Martes.

Ang ilan sa kanila, naglinis na ng matataas na damo, at nagpintura na ng mga puntod.

Nag inspeksyon na rin sa mga sementeryo sa buong Odiongan ang mga kapulisan ng Odiongan Municipal Police Station upang matingnan ang mga sitwasyon ng mga sementeryo ngayong UNDAS.

Maglalatag na rin sila sa mga susunod araw ng booth sa tatlong sementeryo sa bayan upang may pwedeng puntahan ang mga kailangan ng tulong ng pulisya.