Mahigit 100 bahay sa Odiongan, apektado ng road widening project ng DPWH

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Mahigit 100 bahay at estruktura sa bahagi ng General Luna St. sa Barangay Dawapan ang apektado ng gagawing road widening ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Odiongan, Romblon ngayong tao.

Ayon sa mga engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon na nakausap ng Romblon News Network nitong Biyernes, aabot umano sa 5 metro kada center ng kalsada ang kanilang gagawing lapat nito.

Ilan naman sa mga maapektuhan ng widening project ang nasiyahan parin sa pagpapalapad ng nasabing mga kalsada kahit umano maapektuhan sila ay okey lang.

Sa dalawang establishment naman na nasa dulo ng General Luna...

Read more: Mahigit 100 bahay sa Odiongan, apektado ng road widening project ng DPWH

TESDA allocates P15-million budget to free TESDA courses

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Mayroong aabot sa P15-million na budget ngayong taon ang ipinagkaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Romblon sa libreng scholarship sa Technical Vocational Education and Training (TVET) programs ng TESDA-Romblon.

Ito ang pahayag ni Dir. Carlos Flores, regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) - MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) nitong Martes sa isinagawang launching ng 2nd Year ng TESDA MIMAROPA Service On Wheels sa Odiongan, Romblon.

Sinabi ni Flores na nagbibigay ang TESDA ng libreng tuition, toolkits, at minsan ay allowances dipende kung papasok sa Skills Training for Employment Program ng TESDA.

Dagdag pa ni Flores...

Read more: TESDA allocates P15-million budget to free TESDA courses

2Go vessel na biyaheng Odiongan, bumalik sa Batangas dahil sa malakas na alon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dahil sa malakas na alon sa dagat sa bahagi ng Oriental Mindoro, bumalik sa Batangas Port ang barko ng 2Go Travel na biyaheng Odiongan, Romblon sana kagabi.

Ang barkong M/V Saint Anthony De Padua ay umalis ng Batangas Port ng alas-9 kagabi ngunit makalipas ang 3 oras na biyahe ay nag-anunsyong babalik ito ng Batangas Port dahil sa malakas na alon sa dagat.

Mananatili muna umano sa Batangas Port ang barko hangga't hindi maganda ang lagay ng panahon sa dagat.

Ang malakas na alon ay epekto ng Hanging Amihan at ng Bagyong Basyang na nasa bahagi ng Mindanao.

...

Supply ng NFA Rice sa Merkado, matatagalan pa bago madagdagan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Hindi pa tukoy kung kelan magkakaroon ulit ng bagong supply ng NFA Rice ang mga merkado sa bayan ng Romblon at Sibuyan Island na matatandaang inunsyo ng National Food Authority Romblon na ubos na ang kanilang stocks sa mga nasabing isla.

Sinabi ni NFA Provincial Manager Romulo O. Aldueza nang makausap ng mga mamahayag sa Romblon nitong Lunes sa 'Kapihan sa PIA-Romblon' na wala silang time-table kung kelan sila magkakaroon ng stocks sa kanilang mga bodega.

Maari umanong pagkatapos ng dalawang Linggo o di kaya'y higit pa.

Sinabi rin ni Aldueza na mas lalong lumiit ang kanilang stocks ng NFA rice...

Read more: Supply ng NFA Rice sa Merkado, matatagalan pa bago madagdagan