Mga barko na biyaheng Romblon; kanselado dahil sa bagyo

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Navios Shipping LinesNavios Shipping Lines

Kanselado na ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat kasama ang mga RORO vessel na patungo at palabas ng lalawigan ng Romblon dahil sa nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal sa lalawigan dahil parin sa bagyong #UrdujaPH.

Isinailalim na kasi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Romblon sa TCWS #1 nitong alas-8 ng umaga. Huling namataan ang mata ni #UrdujaPH kaninang 7AM sa layong 140km East ng Guiuan, Eastern Samar.

Sa Calatrava, Romblon; kahapon pa pinagbawalan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga bangkang pangisda at pampasahero na maglayag.