New vessel may transit passengers from Batangas to Sibuyan on 2018

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE. Starhorse M/V Virgin Penafrancia VII at San Agustin PortFILE. Starhorse M/V Virgin Penafrancia VII at San Agustin Port

Posibleng bumiyahe ngayong 2018 sa rutang Batangas - Odiongan - Romblon - Sibuyan at pabalik ang isa sa mga barko ng Starhorse Shipping Lines Inc. ayon kay Governor Eduardo Firmalo nang ekslusibong makapanayam ng Romblon News Network nitong weekend.

Sinabi ni Firmalo na nagpaalam na sakanila ang pamunuan ng Starhorse Shipping Lines at ito ay kung sakaling matuloy ang pagbili ng bagong barko ng nasabing shipping lines.

"Ang pinalapalakas kasi natin yung transportasyon, para mabilis sa biyahe ang mga turista at produkto, mabilis ang paglago ng mga isla ng Romblon," ayon kay Firmalo.

Sa ngayon, tanging Lucena - Marinduque - Banton - San Agustin - Romblon - Sibuyan at pabalik pa lamang ang biyahe ng Starhorse Shipping Lines Inc. sa lalawigan.