Wanted sa kasong Rape sa Magdiwang, arestado sa Capiz

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Timbog sa pinagsamang pwersa ng Provincial Intellegence Branch ng Romblon Provincial Police Office, Magdiwang Municipal Police Station, CIDG Romblon, Roxas City Police Station at 301th Brigade ng Philippine Army ang Number 3 most wanted person ng bayan ng Magdiwang, Romblon dahil sa kasong Rape.

Nadakip nitong May 19 si Ricardo Francisco, 67-years old sa Sitio Luyo, Barangay Culasi, Roxas City, Capiz dahil sa isang warrant of arrest na inilabas pa noong March 04, 2015 ng Regional Trialc Court Branch 81 dahil sa kasong statutory rape.

Dinala na sa Romblon ang suspek para iharap sa korte at ikulong.

Walang piyansa ang kanyang kaso.