District School Press Conference sa Magdiwang, naging matagumpay

Written by Darryl Ros | Romblon News

Panalo sa dalawang category ang Cajidiocan National High School sa katatapos lang na Cajidiocan-Magdiwang District School Press Conference na ginanap sa Magdiwang National High School nitong November 02-04.

Naglaban-laban ang mga paaralan ng Cajidiocan National High School, Agutay National High School, at Magdiwang National High School para sa pwesto na ilalaban sa Divison Competition na gaganapin naman sa Looc, National High School sa susunod na mga buwan.

Ang nasabing patimpalak ay naglalayong mahubog ang talento ng mga kabataan sa sekondarya pagdating sa larangan ng pamamahayag. Naipamalas dito ng mga kabataan ang kanilang galing sa Radio Broadcasting, TV Broadcasting at iba...

Read more: District School Press Conference sa Magdiwang, naging matagumpay

Pawikan, nalambat ng mga mangingisda sa Magdiwang

Written by Rona Rocero | Romblon News

Isang pawikan o green sea turtle na may habang limang dangkal ang nalambat ng mga mangingisda sa Magdiwang, Romblon nitong umaga ng November 01.

Ayon sa mangingisdang si Egleserio Rojas, nagulat sila nang may makitang pawikan na nakasabit sa lambat nila kaya agad nila itong sinuri.

Pinagkaguluhan naman ang pawikan nang makita ng taong bayan. Agad namang ibinalik sa dagat ang pawikan matapos suriin at makitang walang sugat.

Sinabi rin ni Rojas na perwisyo ang hatid sa kanila ng nasabing pawikan dahil sinira umano nito ang kanilang labat pangkabuhayan kaya hiling nila bigyan naman sila ng kaunting pabuya...

Read more: Pawikan, nalambat ng mga mangingisda sa Magdiwang

Residents flock to Magdiwang Cemetery despite Cloudy Weather

Written by Rona Rocero | Romblon News

 

Dinagsa ng mga residente ng Magdiwang ang Magdiwang Public Cemetery ngayong umaga sa kabila ng makulimlim na panahon dala ng bagyong Ramil.

Ang ilan sa mga bumisita sa kanilang mga kamag-anak na yumao ay dumalo muna sa isang misa sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish bago dumiretso sa sementeryo para magtirik ng kandila, mag-alay ng bulaklak at dasal.

Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station kasama ang Bureau of Fire Protection at ilang grupo para mapanatiling maayos ang siguridad sa sementeryo ngayong UNDAS.

...

Church leaders approve to build Dry Goods Store inside Church Compound

Written by Rona Rocero | Romblon News

Aprubado ng mga pinuno ng Simbahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Magdiwang, Romblon ang pagpapatayo ng tindahan sa loob ng compound ng nasabing simbahan.

Ayon sa source ng Romblon News Network sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, tatlong council umano ang nag usap-usap para maitayo at maituloy ang nasabing proyekto.

Sinabi naman ng ilang trabahador sa nasabing proyekto na hindi umano ito wet market katulad nang usap-usapan sa Social Media, kundi isa umanong dry goods store.

Ilang residente naman ng Magdiwang, Romblon ang nagrereklamo ukol sa ipinapatayong gusali na matatagpuan mismo...

Read more: Church leaders approve to build Dry Goods Store inside Church Compound