Biyahe ng barko sa Romblon ngayong araw, Kanselado na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dahil sa nakataas na storm warning signal sa lalawigan ng Romblon dahil sa bagyong Salome, kinansela na ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng mga bangkang pangisda at pampasahero barko ngayong araw.

Sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon; pinauwi na ang mga pasaherong maaga pang tumungo ng pantalan para sana sa biyaheng patungong Roxas, Oriental Mindoro. Hindi na rin tuloy ang biyahe ng mga barko patungong Batangas mamayang hapon.

Samantala, pinauwi na rin ang mga estudyante sa Kinder at Elementary kaninang alas-10 ng umaga matapos itaas ang storm warning signal.

Sa ngayon, maulap at madilim na papawirin palang ang nararanasan sa lalawigan.