Wanted sa kasong Pangagahasa ng bata, arestado sa Looc

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dahil sa kasong pangagahasa ng menor de edad, inaresto ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Jedi Galicha si Joseph Sarceno nitong Lunes ng tanghali.

Naaresto si Sarceno sa kanyang lugar sa Barangay Limon Sur, Looc, Romblon sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82 nitong February 05 dahil sa kasong rape na may kaugnayan sa Republic Act 7610.

Nakakulong na ngayon ang suspek at inaasahang ihaharap sa korte.

Maari siyang makalaya kung magbabayad ng piyansa na P200,000 sa korte.