18 years na wanted sa Looc dahil sa kasong Rape, arestado sa Mindoro

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Napasakamay na ng mga otoridad ang lalaking 18 years ng wanted sa bayan ng Looc, Romblon dahil sa kasong rape noong taong 1999.

Kinilala ang suspek na siVenice Baldera Silibio, 48-taong gulang, at residente ng Barangay Agojo, Looc, Romblon.

Nadakip ang suspek nitong hapon ng December 13 sa Mansalay, Oriental Mindoro ng pinagsamang pwersa ng Looc Municipal Police Station, Romblon PPO, Mansalay MPS, Oriental Mindoro PPO, 403rd RMFB sa pangunguna ni Police Senior Inspector Jedi Galicha, Cheif of Police ng Looc, Romblon.

Nakakulong na ang suspek sa Mansalay MPS at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Romblon.

Walang piyansa ang kaso ng suspek.