BAPA Chairman sa Looc nakuryente, patay

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Namatay sa ospital ang isang Barangay Power Association (BAPA) Chairman sa bayan ng Looc, Romblon matapos na makuryente habang nagtatanggal ng trapal (manta) na ginamit sa birthday party kahapon ng hapon, October 09.

Kinilala ni Police Sr. Insp. Ladylene Ambunan ng Romblon Police Provincial Office ang biktima na si BAPA Chapirman Ruben Merque Calaud, 52-taong gulang, residente ng Limon Sur, Looc, Romblon.

Habang nasa bubong umano si Calaud matapos magtanggal ng trapal, bigla itong nadulas sa bubong na gawa sa galvanize iron at napakapit sa isang live electricity wire ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) na nasa taas lang ng kanyang ulo.

Agad naman siyang tinulungan ng mga concerned citizens na nasa lugar at dinala sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sakay ng tricycle para maagapan ngunit kalaunan ay idineklarang patay ng attending physician.