Landslide over National Road of Guinhaya-an, Looc

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Pinag-iingat rin ang ilang motorista na dumadaan sa National Road sa Barangay Guinhaya-an sa bayan ng Looc, Romblon dahil sa madulas na kalsada at ilang naiulat na landslide sa lugar.

Ayon sa isang motoristang nagbahagi ng larawan na nasa taas, sinabi niyang kalahati nalang ng daanan sa may pakurbang bahagi ng National Road sa Barangay Guinhaya-an matapos matabunan ang kalahati ng landslide.

Ito ay kasunod ng patuloy na pag-uulan sa lugar simula pa umano kaninang madaling araw.