Truck, nahulog sa gilid ng kalsada sa Ferrol

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News

Isang truck na may kargang mga panambak na bato ang nahulog sa gilid ng kalsada matapos na hindi kayanin ng makina ng truck ang paakyat na daan sa Barangay Agnocnoc, Ferrol, Romblon nitong umaga ng December 04 dahil sa bigat ng dala.

Ayon sa driver ng sasakyan na si Ramer Deloviar, magdedeliver sana sila ng mga bato sa ginagawa nalang proyekto ng kalsada sa Agnocnoc nang mangyari ang aksidente.

Nagpapasalamat naman ang driver dahil walang nakabuntot na sasakyan sa kanila nang mangyari ang aksidente kundi madadamay umano sana sila pag naatrasan ang sasakyan.

Nagtamo naman ng kuntis galos sa kamay ang driver samantala ang kanyang mga kasama ay nakatalon agad sa sasakyan kaya hindi nasugatan.

Napag-alamang pagmamay-ari ng Ma. Gina M. Pador Construction ang nasabing truck at wala ring plate number na nakalagay rito.