Tingaray River in Ferrol overflowed; afternoon classes suspended

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Umapaw ang Tingaray River sa bayan ng Ferrol, Romblon kaninang umaga dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan simula pa madaling araw.

Naging dahilan ang pag-apaw ng ilog ng pagbaha naman sa Sito. Maunlad at ilan pang bahagi ng Barangay Poblacion, Ferrol, Romblon bandanag alas-9 kaninang umaga.

Umabot umano ng halos kalahating metro ang taas ng tubig sa mga nasabing lugar, ayon sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Ferrol.

Dahilan parin sa patuloy na pag-uulan, suspendido ang klase sa lahat ng Elementary at High School sa buong bayan ng Ferrol ngayong hapon ng September 12.

Patuloy namang nakaantabay ang MDRRMO sa maaring pagtaas pa ng Tingaray River.

Sa Barangay Agnocnoc naman sa parehong bayan, halos nag mistulang dagat na ang hitsura ng isang barangay road rito dahil sa tubig ulan. Ilang motorsista tuloy ang hindi makatawid sa kalsada dahil sa pagbaha. - with reports from Bebito Gado