Bahay ng Foreigner, pinasok ng akyat-bahay; cellphone ng tumakas na suspek, naiwan

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News

Isang bahay ng isang foreigner na katabi ng isang resort sa Binucot, Barangay Bunsuran, Ferrol, Romblon ang pinasok ng isang lalaki bandang alas-7 ngayong gabi.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, naabutan ng may-ari ng bahay na si Peter Kozber, isang german national, ang isang lalaki na nasa loob ng kanyang bahay. Nahuli umano niya ito at dadalhin na sana sa police station ngunit nakatakas umano ito.

Pero problema parin ng suspek ay naiwan nito ang kanyang cellphone sa loob ng bahay ni Kozber na narekober naman ng foreigner at ibinigay na sa tauhan ng Ferrol Municipal Police Station.

Payo ng Ferrol MPS, maghabla ng pormal na reklamo sa kanilang istasyon para mapadalhan ng subpoena ang suspek.

Hinala ng mga kapitbahay ni Kozeber, ang suspek ngayong gabi ay maaring suspek rin noong mga nakaraang nakawan sa parehong bahay.