Grade 11 student injured after crashing his motorcycle

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News
  • Pinterest

Isinugod sa Ospital ang isang grade 11 student ng Ferrol National High School matapos maaksidente kahapon sa bayan ng Ferrol, Romblon.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, mabilis umano ang patakbo ng rider na wala pang helmet nang ito ay maaksidente. Sinasabing sumalpok umano ang motorsiklo nito sa road barriers.

Wala namang ibang nadamay sa aksidente kahapon. Ligtas na ang lagay ng nasabing rider.

...

Pera ng gobyerno ginasta pang-gas sa private-owned vehicle

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Pinababalik ng Commission on Audit (COA) sa kaban ng bayan ang sobra sa P20,116 na pera na ginastos ng Munisipyo ng Ferrol, Romblon pang gasulina sa isang private-owned vehicle over sa equivalent fare ng customary mode of transportation.

Ayon sa 2016 Annual Audit Report na nilabas ng COA, nagkaroon ang Munisipyo ng Ferrol ng Reimbursement para sa gasulina kahit na ipinagbabawal ito sa Section 4 (2) ng Presidential Decree 1445 at COA Circular No. 96-004.

"Likewise, refund of the excess reimbursed gasoline cost over the equivalent fare for the customary mode of transportation is recommended." nakasaad sa bahagi ng COA...

Read more: Pera ng gobyerno ginasta pang-gas sa private-owned vehicle

Ipo-ipo, namataan sa Ferrol ngayong umaga

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News
  • Pinterest

Isang ipo-ipo ang namataan sa karagatan na sakop ng Barangay Bunsoran sa bayan ng Ferrol, Romblon ngayong umaga.

Ayon sa mga residente sa lugar, bigla umanong dumilim ang langit at maya-maya'y nabuo na ang ipo-ipo.

Tuloy naman sa paliligo sa dagat ang mga turista sa lugar kahit na kita na nila ang ipo-ipo.

Nawala naman ito kalaunan at hindi tumama sa kalupaan.

 

...

6 More Towns in Romblon declared as Drug-Cleared Municipalities

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Anim na bayan pa sa lalawigan ng Romblon ang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA na drug-cleared town ngayong araw, September 12.

Ayon kay PDEA-MIMAROPA Assistant Regional Director Ryan Calzenas, ang mga bagong drug-cleared towns ay ang mga bayan ng Magdiwang at San Fernando sa Sibuyan Island, Alcantara, Santa Fe, at Ferrol sa Tablas Island at bayan ng San Jose sa Carabao Island.

Karagdagan ito sa mga nauna ng bayan na nai-delcare na 'drug-cleared', ito ay ang mga bayan ng Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, at Santa Maria, at Calatrava.

Sinaksihan ang pag-declare kanina ng mga representative galing sa...

Read more: 6 More Towns in Romblon declared as Drug-Cleared Municipalities