Caritas Philippines namigay ng relief sa Concepcion

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, Romblon News | Tuesday, 29 December 2015

Namigay ng mga food packs at nagsagawa ng libreng medical checkup para sa mga nasalanta ng bagyong Nona ang grupo ng Caritas Philippines sa bayan ng Concepcion sa Sibale Island nitong December 28.

Sa Facebook Account ng Caritas Philippines, nanawagan sila sa mga miyembro ng simbahang katoliko na mag donate ng kahit anong tulong para sa mga nasalanta ni Nona sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Kasabay nito, namigay rin ang Department of Social Welfare and Development Romblon ng food packs na ibinigay ng DSWD Regional 4B.