90% of houses in Concepcion, Romblon destroyed: Mayor Cipriano

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 16 December 2015

Aabot ng 90% na bahay ang nasira sa bayan ng Concepcion, Sibale Island, Romblon dahil sa bagyong Nona.

Ayon kay Mayor Lemuel Cipriano, maraming bahay na malapit sa dalampasigan at mga gawa sa kahoy ang winasak ni Nona. Tanging mga sementong bahay nalang ang nakatayo ngunit wala ng bubong.

Dagdag pa ni Mayor, problema sa bayan ang kakulangan ng food supply dahil hindi maka biyahe ang mga bangka galing sa Calatrava at Pinamalayan na may dalang foodpacks galing DSWD MIMAROPA at Romblon PSWDO.

Sinabi naman ni Mayor Cipriano na magdedeklara sila ng State of Emergency sa bayan ngayong araw.

Sa bayan naman ng Corcuera, ideneklara ng mga Local Government ng bayan ang State of Emergency matapos na masira ang mahigit 500 na kabahayan sa bayan.