Passengers in Sibale Island, stranded for 3 days now

Written by Dennis Evora | Romblon News

Tatlong araw ng stranded ang mga pasahero ng mga pumpboat na patungo sanang Pinamalayan, Oriental Mindoro galing Concepcion, Romblon dahil sa matataas na alon.

Nakataas kasi ang gale warning sa baybayin na sakop ng lugar kaya hindi pinapayagan ng Coast Guard ang mga pumpboat na maglayag.

Kabilang sa mga stranded ang mga pabalik na sana ng siyudad matapos na magdiwang ng bagong taon at pasko sa Isla.