Wanted sa pangagahasa sa 40-taong gulang na babae sa Sibale Island, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Naaresto ng mga kapulisan sa Batangas City nitong Linggo ng gabi ang most wanted ng bayan ng Concepcion, Romblon na si Rommel Fajilago, 46.

Ayon kay Romblon police intelligence chief Allan Fruelda, si Pahilago ay wanted dahil sa pangagahasa umano sa 40-anyos na babae sa Concepcion, Romblon noong taong 2006.

Naaresto si Fajilago matapos ang halos ilang taong pagtatago at halos 3 buwang police surveillance sa lugar.

Dagdag ni Fruelda, palipat-lipat umano ng lugar ang suspek kaya hirap silang matunton ito.

Nakatakdang i-byahe na ang suspek pabalik ng Romblon, Romblon para iharap sa Regional Trial Court Branch 81.