Kapistahan ng Immaculada Concepcion, ipinagdiriwang ng bayan ng Sibale

Written by Dennis Evora | Romblon News

Ipinagdiriwang ngayon ng bayan ng Sibale ang kapistahan ng kanilang patron, ang Immaculada Concepcion bilang pagpaparangal kay Birheng Maria.

Pormal itong nagsimula noong ika-4 ng Disyembre hanggang sa mismong araw nang kapistahan nito sa ika-8 ng naturang buwan ng taong ito.

Isang banal na araw hindi lang para sa mga Katolikong taga-Sibale, pati na rin sa lahat na residente ang kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Bahagi ng kapistahan ang pagdaraos ng mga misa, prusisyon at ang tradisyon na Biniray.

Kasama rin sa pagdiriwang ang mga ibat-ibang palaro gaya ng basketball, volleyball at ang kinagigiliwang bankaton.

Mayroon ding paligsahan sa pag-awit, paligsahan...

Read more: Kapistahan ng Immaculada Concepcion, ipinagdiriwang ng bayan ng Sibale

Pagbibigay ng Loan ng Munisipyo ng Concepcion sa mga Empleyado nito, kwinestiyon ng COA

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kwinestiyon ng Commission on Audit (COA) ang munisipyo ng Concepcion, Romblon dahil sa pagbibigay ng loan sa mga opisyal at empleyado ng munisipyo.

Ayon sa 2016 Annual Audit Reports ng COA para sa bayan ng Concepcion, sinabing aabot sa P798,000.00 ang pera ng bayan na pinautang ng munispyo para sa kanilang mga empleyado at opisyal ng bayan.

Dagdag pa ng COA, pinayagan ang loan kahit walang legal basis at kontra sa Section 305(b) ng Republic Act No. 7160.

Nakasaad sa Section 305(b) ng RA 7160 na ang mga local government funds ay pwedeng gamitin lamang sa 'public purposes'.

"This practice...

Read more: Pagbibigay ng Loan ng Munisipyo ng Concepcion sa mga Empleyado nito, kwinestiyon ng COA

Biyahe ng bangka, kanselado sa Sibale Island

Written by Dennis Evora | Romblon News

Kinansela ngayong araw ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa bayan ng Concepcion sa Sibale Island, Romblon ayon sa Philippine Coast Guard Concepcion dahil umano ito sa masamang panahon na nararanasan sa lugar gayun na rin sa probinsya ng Mindoro.

Partikular na pinagbawalang maglayag ang mga pumpboat na biyaheng Pinamalayan, Oriental Mindoro kaninang umaga.

Nakakaranas naman ang lugar ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan at pag-ihip ng hangin.

Pinag-iingat naman ng mga awtoridad ang mga residenteng nakatira sa mga lanslide prone area sa maaring pagguho ng mga lupa dahil sa pag-uulan.

...

Mga school buildings na sinira ng bagyo sa Sibale, hindi parin naayos

Written by Dennis Evora | Romblon News

Ngayong nagsimula na ang pasukan sa lahat ng paaralan sa Luzon at sa Visayas, ilang school buildings sa bayan ng Concepcion sa Sibale Island, Romblon ang inaasahang hindi mapapakinabangan ngayong pasukan 2017-2018.

Hindi pa kasi naayos ng Department of Education ang mga school buildings sa lugar na sinira ng bagyong Nona noong taong 2015.

Kinukuhaan pa ng pahayag ng Romblon News Network ang Department of Education Division of Romblon kaugnay rito.

...