TESDA Romblon, magkakaroon ng bagong OIC-Provincial Director sa katauhan ni Lynette Gatarin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Simula sa unang araw ng Setyembre 2017, uupo na bilang Officer-in-Charge ng Technical Education and Skills Development Authority - Romblon Provincial Office si Lynette M. Gatarin.

Si Gatarin ay hahalili kay Director Armando Aquino na itatalagang Provincial Director ng Technical Education and Skills Development Authority sa probinsya ng Occidental Mindoro.