Mga atleta galing Simara, biyaheng Sibuyan na para sa Provincial Athletic Meet

Written by Neonilo Ferriol | Romblon News

Biyaheng Sibuyan Island na ang mga atleta ng Corcuera, Romblon para sa gaganaping Provincial Athletic Meet 2017 sa bayan ng Cajidiocan.

Sakay ang mga atleta kasama ang kanilang mga coaches ng pampasaherong bangka na maglalayag ng halos 6 na oras patungong Sibuyan Island.

Ayon kay Mr. Ragie Mazo, head coach ng nasabing delagado, aabot sa mahigit kumulang 130 na atleta ang kanilang dala para sa nasabing palaro.

Pinilit ng mga manglalakbay na bumiyahe patunong Sibuyan sa kabila ng masamang panahong nararanasan ngayong araw sa lalawigan ng Romblon.

Gaganapin ang Provincial Athletic Meet ngayong December 10 hanggang December 16.