Giant Christmas Tree sa Corcuera, may temang White Christmas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of DB Fojas FalcesoPhoto Courtesy of DB Fojas Falceso

White Christmas ang tema ngayong taon ng Giant Christmas Tree sa bayan Corcuera sa Simara Island, Romblon na pinailawan na ngayong unang gabi ng Disyembre.

Matatagpuan ang Giant Christmas Tree na pinuno ng mga kulay puting ilaw, sa gitna ng kanilang public ground na nasa harap lamang ng Municipal Hall ng bayan ng Corcuera. Nagkalat rin ang mga kulay puting parol paikot ng Giant Christmas Tree.

Damang-dama naman ng mga residente ng Corcuera na sumaksi sa pagpapailaw ng Giant Christmas Tree dahil sa awiting mga pampasko na pinapatugtog ng malalakas na speaker.

Todo selfie naman ang ilang mga kabataan at mga magkakapamilya na aliw na aliw sa ganda ng grounds.

Nagkaroon rin ng maikling programa bago pailawan ang Christmas Tree kung saan nagtanghal ang mga empleyado ng Munisipyo at mga estudyante ng iba't ibang paaralan sa isla.