Coast Guard suspends sea travel today due to inclement weather

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kinansela ng Philippine Coast Guard sa Corcuera ang biyahe ng mga pampasaherong motorbanca patungo ng Tablas Island ngayong araw dahil sa masamang panahon.

Ayon sa isang pasahero na nakausap ng Romblon News Network, stranded sila sa isla dahil walang biyahe ng mga bangca.

Malakas umano ang naranasang pag-uulan sa isla simula madaling araw hanggang alas-8 ng umaga kanina.

Wala namang ibang naiulat na aksidente sa lugar na may kinalaman sa masamang panahon.