One Family affected by landslide in Simara Island

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang pamilya ang naapektuhan ng landslide sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon ayon sa taya ng Office of the Civil Defense MIMAROPA.

Sa nakarating na report sa OCD-MIMAROPA galing sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Corcuera, Romblon, isang landslide ang nangyari sa may kalsada malapit sa Corcuera Port kung saan may isang pamilyang naapektuhan.

Wala namang nasaktan sa pamilya matapos na makalikas bago bumagsak ang lupa dahil sa pag-uulan sa lugar dala ng bagyong #SalomePH. Sa ngayon, nakikituloy muna sa kanilang kamag-anak ang nasabing pamilya habang hindi pa humuhupa ang ulan sa lugar.

Samantala, hindi naman madaanan ang kalsada sa Poblacion patungong Ambulong dahil parin sa landslide. Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang alternate route sa Barangay Ambulong at Barangay San Agustin para makarating sa kabilang bahagi ng isla.