Corcuera mayor urges SB Member to investigate 3 cases of electrocution

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Ipinagutos na ni Mayor Rachel Bañares ng Corcuera, Romblon sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan na imbestigahan ang tatlong kaso nang pagkakuryente ng ilang residente sa Corcuera na naging resulta nang pagkamatay.

Ayon kay Mayor Bañares, umabot na sa tatlo ang kaso ng electrocution ang kanilang naitala.

Tutungo rin umano sa Corcuera ngayong Martes si Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) General Manager Rene Fajilagutan para magsagawa rin nang imbestigasyon.

Itinuturong sanhi nang pagkakuryente ng tatlo ay ang mababang power line ng ROMELCO sa buong Corcuera kaya madaling maaksidente ang mga tao.